Sino Ba

My photo
Taong may malasakit at minamalasakitan

Wednesday, August 10, 2011

Ang Buhay sa Kapitbahay


Bansang pinagmulan ay ni minsan di malilimutan saang dako man mapadpad. Ito ang mga katagang madalas kong marinig sa mga taong nakipagsapalaran sa karatig bansa isa na ang aking ama. Mga katagan di ko mawari nuong ako ay nasa bansang sinilangan pa. Akala ko nuon na ang mapunta sa ibang bansa ay hatid lagi ang kaginhawaan at karangyaan sa buhay, isang paraan kung saan matakasan ang hirap na kinagisnan. Ngayon ko napagtanto ang tunay na kahulugan ng mga katagang yun. Mga salitang binitawan ng aking ama at kakilala,akala ko ay dahilan lamang upang hindi mapaghinalaan ng nakakarami na buhay OFW ay sadyang kaginhawaan. Unti-unti kong naranasan bawat pasakit at hirap na kanilang minsan ay dinaan. Ang walang katapusan oras sa kakaisip sa taong naiwan sa bayan na pinagmulan. Ngayon ako'y magbabalik mghahatid ng pagbabago di lang pagbabago sa pagunlad o bagong karanasan sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa kung di pagbabago sa paniniwala ng nkakarami na ang buhay OFW ay di lahat ay kaginhawaan. Aking pararating ang bawat saloobin ng mga OFW, ipaintindi sa mga mahal na naiwan sa Pilipinas na ang OFW ay di lagi karangyaan, dapat isipin din ang bawat sakripisyo na kanilang ginagawa. Ipapaalam ko sa kanila na minsan di lang kami salat sa pera kung hindi salat sa pagmamahal at pagaaruga ng aming mahal sa buhay. Isang pagbabago di man sa pagtaas ng antas ng buhay ngunit pagbabago sa kaalaman at prinsipyo ng mga taong mali ang pagkakaunawa sa mga taong tinatawag nating mkabagong bayani ng Pilipinas.

No comments: