Sino Ba

My photo
Taong may malasakit at minamalasakitan

Wednesday, August 10, 2011

Ang Buhay sa Kapitbahay


Bansang pinagmulan ay ni minsan di malilimutan saang dako man mapadpad. Ito ang mga katagang madalas kong marinig sa mga taong nakipagsapalaran sa karatig bansa isa na ang aking ama. Mga katagan di ko mawari nuong ako ay nasa bansang sinilangan pa. Akala ko nuon na ang mapunta sa ibang bansa ay hatid lagi ang kaginhawaan at karangyaan sa buhay, isang paraan kung saan matakasan ang hirap na kinagisnan. Ngayon ko napagtanto ang tunay na kahulugan ng mga katagang yun. Mga salitang binitawan ng aking ama at kakilala,akala ko ay dahilan lamang upang hindi mapaghinalaan ng nakakarami na buhay OFW ay sadyang kaginhawaan. Unti-unti kong naranasan bawat pasakit at hirap na kanilang minsan ay dinaan. Ang walang katapusan oras sa kakaisip sa taong naiwan sa bayan na pinagmulan. Ngayon ako'y magbabalik mghahatid ng pagbabago di lang pagbabago sa pagunlad o bagong karanasan sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa kung di pagbabago sa paniniwala ng nkakarami na ang buhay OFW ay di lahat ay kaginhawaan. Aking pararating ang bawat saloobin ng mga OFW, ipaintindi sa mga mahal na naiwan sa Pilipinas na ang OFW ay di lagi karangyaan, dapat isipin din ang bawat sakripisyo na kanilang ginagawa. Ipapaalam ko sa kanila na minsan di lang kami salat sa pera kung hindi salat sa pagmamahal at pagaaruga ng aming mahal sa buhay. Isang pagbabago di man sa pagtaas ng antas ng buhay ngunit pagbabago sa kaalaman at prinsipyo ng mga taong mali ang pagkakaunawa sa mga taong tinatawag nating mkabagong bayani ng Pilipinas.

Sunday, August 7, 2011

Buhay Test Paper

Ang Life nga naman, yan ang mga katagang lagi mong maririnig sa mga taong di maintindihan kung ano ang dapat gawin. Pero sa totoo lang ang buhay o pag-ibig ay isang parang test paper sa isang eskwelahan. Multiple Choice, Essay o Fill in the blanks diba? Pero sa totoo lang mas maganda ang Multiple choice atlist nanjan ang mga pgpipiliin diba. Sabuhay natin its a matter of choice nasa paligid lang ang sagot sa mga katanungan, minsan nga eh katabi mo lang kaya kung ako sa inyo wag nyo ng antayin pang dumating sa Fill in the blanks ang mga tanong mo kasi sa totoo lang mahirap diba malamang manuyo na ang utak sa kakaisip di mo pa nalalagyan ng sagot ang tanong mo di gaya sa multiple choice anjan si A,B,C minsan nga si D nanjan din. Sa madaling salita h'wag masyadong pahirapan ang sarili kakaisip ng sagot sa bawat katanungan kung alam mo naman agad na nanjan lang ang sagot sa tabi mo. Yan muna mga guys till next time....

Saturday, August 6, 2011

Napaghahahlataang guilty!

Ito ay ayon lamang sa aking sariling pangunawa at pagmamatyag kau ang bahala kung lahat to ay tama or mali...

6 Bagay na gingawa ng mga lalaki kapag sila ay mahuhuli na sa kanilang gingawang kalokohan.

1. unang paraan ay ang MAANGMAANGAN ng lalaki, natural kahit nahuli na eh mamaang maangan pa rin eka nga diba wag na wag kang aamin ayon sa rule book na mga lalaki.

2. at kung di umumbra eh anjan ang LAMBINGAN PORTION, para di maalala ang gingawang kalokohan lalambingin mo ang iyong GF or ASAWA. alam naman natin ang kiliti diba.

3. di nakuha sa pangalawa natural anjan ang GALIT-GALITAN. Kunwari magagalit para mabaling sa iba ang pinaguusapan nyo.

4. eh pano di rin umumbra at matigas si babae ano ang gagawin natural anjan pa si REVERSE PSYCHOLOGY, kesyo na sasabihin ni lalaki na "ganyan ka naman eh wala kang tiwala sa akin etc. etc. sa makatuwid eh paawa effect.

5. at ito ang maganda kung baga eh desperate moved kung mahuhuli na talaga eh anjan ang BALIKTARIN ANG SITWASYON. natural sabihin ni lalaki na si babae ang may lalaki, gabing gabi kung umuwi kahit walang trabaho, laging kasama si kumpare halos lahat sasabihin para lang maiba at mabaliktad ang usapan.

6. at ang panganim NO CHOICE. walk-out sa usapan at bahala na si babae ang magisip kung totoo o hindi but there is a saying that silence means yes diba..

OfW



Sa mga taong di alam ang ibig sabihin ng mangibang bansa. Bayaning naturingan pero di alintana ng iba ang sakripisyong nararanasan.